“Habang ang mundo ay umiikot. Sa kaguluhan ng bawat sulok, may apat na nilalang sa iba’t ibang panahon. Sila ay may kanya kanyang gagampanan dito sa ating buhay at mundo.”
“Tuwing sumisikat ang araw, sila ay nasa kani-kanilang landas upang gampanan ang kanilang mga tungkulin sa kanilang trabaho at pamilya.”
“Tuwing kagat ng dilim sila ay nagkikita at nagmumuni-muni upang magpalitan ng kaalaman. Kung minsan naman sila ay nasa kapihan upang magpalitan ng kuro kuro.”
“Noong buwan ng Hunyo ng taong 2008, bigla nalang pumutok ang isang konsepto na ikwadro ang kanilang nasa isipan upang maipamahagi ang kanilang nasa isip, ang kanilang maisasaisip, ang kanilang iniisip at ang kanilang iisipin.”
“Apat na nilalang.”
“Apat na direksyon.”
“Apat na panahon.”
“Apat na pagiisip.”
“Pinagsama-sama ng tadhana upang kanilang pagsama-samahin ang bawat direksyon na kanilang photographiya at philisophia.”
“Sa pamamagitan ng pagkuha at sa pagsasalarawan ng mga kasaysayan sa kapaligiran at ilalathala ito sa iba't-ibang sulok ng mundo sa papapagitan ng teknolohiya, ang internet.”
“Sa pamamagitan ng pagsulat ng mga kasaysayan at mga pananaw upang magbigay inspirasyon at ipamulat na rin ang nangyayari sa ating lipunan at kapaligiran.”
“Sa pamamagitan ng pagbibigay ng damdamin at pagiging totoo sa mga likha upang magbigay pugay sa ating lahi.”
“Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga kalahi na nagtagumpay sa iba't ibang larangan ng buhay at pati na rin sa larangan ng palakasan. Pagbigay din ng respeto sa mga mamayan na nagbibigay kaalaman mula sa pinuno hanggang sa simpleng mamamayan.”
“Mga kaibigan”
“Mga kalahi”
“Mga kapatid”
“Mga kabayan”
“Aming ihinahandog sa inyo.”
KWADRO KANTOS
“KWADRO KANTOS’ is an online magazine. This will serve as a network to express and publish our different creative expressions to be available to all people around the globe via internet.
“KWADRO KANTOS” is basically a 4 man collaboration project that exhibits different forms of expression and perceptions as a start. We also have photographers, artist and writers who will be part of this project as a correspondence team to showcase also their skills and interests.
KK basic approach is to focus on photography, video, visual art and creative writing to express what are the things our minds and publish it in the internet so that we can share our ideas and concept.
We also want to promote collaborations of different minds and create something that will exhibit something different and revolutionary.
We will also welcome anyone who is willing to contribute to our vision and mission. If you are interested to participate in any of our activities and events we are always here to serve you.
We hope to hear your comments and suggestions as you learn more about KWADRO KANTOS.
