 Hindi ko maalis sa aking isipan ang lahat ng masakit na nakaraan. Pipilitin ko bang limutin at ibabaon sa baul ng nakaraan? Nararapat bang itanim sa aking dibdib at isipan? O hahayaan kong umagos ang dugo sa aking mga kamay hanggang sa mawalan ng malay at baka sakaling sa ganitong paraan, tumigil ang ikot ng aking mundo. Ginawa kong takpan ng antipara ang aking mukha araw-araw, pero tumatagos pa rin sa aking maskara kung anong tunay na kulay ang aking nararamdaman. Sabihin man nila na ako’y baliw at ilalagay ko sa aking kamay ang aking buhay, pero ito ang alam kong paraan upang kalimutan ang lahat. Sa isang patalim na magsisilbing pampamanhid ng aking buong katawan ang naisip kong paraan na maaaring sa iba ay karuwagan, ngunit para sa akin, ito’y isang katapangan. Sa bawat patak ng dugo na tutulo na nagmula sa aking mga ugat at aagos sa aking mga kamay, isang ngiti ang mamumutawi sa aking mukha. - robertalmario Photo and Concept By: robertalmario Model: Boy Sarmiento
 Anong Sakit Na Nadarama Anong Sakit Na Nadarama Anong Sakit….Sakit Ng Puso
Pagmamahal Binigay Sa Kapwa Pagmamahal Binigay Sa Pamilya Pagmamahal Binigay Sa Aking Sinta
Nalilito Sa Mga Nakikita Nalilito Sa Mga Diwa Nalulunod Sa Luha
Tanong Ito Ba Ang Tadhana? Ito Ba Talaga Guhit Ng Palad? Tanong Na Paulit Ulit Tuwing Nadarama Sakit Na Sumasaksak Sa Pusong Tumitibok
Wala Na Bang Solution At Puro Salita Galing Sa Panginoon Na Ginagamit Ng Mga Walang Kwentang Panggap Sa Lipunan
Wala Na Bang Makausap Na Totoong Tao Sa Kapaligiran Na Pilit Nagmamarunong Upang Ikaw Ay Tulungan Ngunit Pinupuno Ang Iyong Kalooban Ng Plastic Para Ikaw Ay Mabulunan
Walang Maisip Na Direksyon Walang Maisip Na Solution Walang Maisip Na Definisyon
Lahat Nalang Walang Saysay Lahat Nalang Ay Basura Lahat Nalang Ay Walang Kwenta
Sa Mundong Ito Aking Kasaysayan Punong Puno Ng Karanasan Na Napupuno Ng Sakit Sa Puso Pusong Sugat Sugat At Pilit Ginagamot Pero Paulit Ulit Dumurugo Sakit Masakit Ubod Ng Sakit
Pero Panalangin Sa Diyos Na Tunay Na Gabay Patawarin Mga Taong Katulad Ko Na Namumulat Sa Katotohanan
Sakit Na Nadarama Hindi Na Alam Kung Kaya Pa Sakit Na Nadarama Hindi Ko Na Alam Kung Kaya Ko Pa Sakit Na Nadarama Aking Ipinauubaya Na Sayo Aking Ama Diyos Ko Gabay Ko
Maaring Pakawalan Ko Na Aking Kaluluwa Para Syang Maglakbay At Wag Na Makaramdam Ng Mga Sakit Na Nasa Kalooban
Aking Pagmamahal Sa Aking Ina Aking Inaalay Sa Iyo Aking Katawan Upang Magbigay Say Say Sa Iyong Pagagabay At Pagaaruga
Aking Puso Aking Walang Hanggang Pagmamahal Aking Inaalay Sa Iyo Aking Sinta Pati Narin Aking Kaluluwa Na Magmamasid Magaruga Sa Iyong Kaligtasan
Aking Utak Aking Kaalaman Aking Inaalay Sa Mundong Kay Gulo At Puno Ng Kasalanan Upang Naway Mapagaralam Aking Kaalaman
Sa Kapwa Ko Sa Pamilya Ko Sa Irog Ko
Paaalam
- Cristo Bugarin X-Abeleda
 Lagi na lang akong tulala at laging may iniisip. Minsan naisip ko, ako nga ba’y isang baliw??! Naglalakad sa kalye na wala sa sarili, at hindi ko na alam ang aking patutunguhan. Parang gusto ko nang ipikit ang aking mga mata at pagpantayin ang aking mga paa. Minsan gusto ko nang magtago at baka sakaling makalimutan ka pero kahit anong gawin, naiisip ka.
Lahat ng paraan ay ginawa na, pero bakit hindi pa rin kita maalis sa aking isipan. Sa tuwing naaalala ka, ako’y nasasaktan lamang, pagka't hindi ko na alam kung nasaan ka. Wala na akong balita pa sa’yo simula ng inilayo ka ng mga magulang mo. Parang ngayon ko lang naisip na hindi mo ako mahal. HINDI MO AKO MAHAL! Yan ang aking laging isinisigaw… Pagkatapos mong lumayo at ako ay iwan.
Gusto ko nang magpahinga! Gusto ko nang magpahinga! Gusto ko nang magpahinga para makalimutan ka. Nakataas ang aking mga kamay habang pauli't-uli't na binabanggit ang pangalan ng aking mahal. “Mahal patawarin mo ako! Patawarin mo, Patawarin mo!” Hirap na ang aking kalooban ganun din ang aking isipan. Sa pagpikit ng aking mga mata, kasabay ay panalangin, panalangin na sanay hindi na ako magising.
Nang muling mamulat, nakita ko ang mukha ng aking sinta, habang sya sa akin ay nakayakap. Aking pabulong na binibigkas, “AKALA KO’Y HINDI KA NA BABALIK AKING SINTA”. Narinig kong sinabi nyang mahal na mahal kita. Sumisikip ang aking dibdib, sumisikip ang aking dibdib! Hindi ako makahinga! Hindi ako makahinga! Patuloy ang pagluha ng aking mahal.
Ano bang ginawa mo?! Pasigaw na sambit ng aking mahal. Pilit akong ginigising, pilit akong ginigising! Pilit nya akong ginigising sa aking pagkahimlay. Hindi na ako makasalita! Hindi na ako makagalaw! Nararamdaman kong nanlalamig ang aking buong katawan. Sa pagdilat muli ng aking mga mata, nakita ko ang aking katawa'y nakahandusay sa kama.
- robertalmario
Photo and Concept By: robertalmario Model: Boy Sarmiento
 Ako’y may kilala, ganid na buwaya Sa kanila siya ang bida Sa mata ko naman siya ay nakakahiya
Minsan may kasamang tatang Tinawagang inaasahang kaibigan Ngunit siya ay nagulat Nong nakitang akalang kaibigan Isa palang kapangalan lamang Ang nagunita ay malalim na alaala Na pilit binubura
Ako’y natatawa Ako’y natutuwa Ako’y naluluha
Sa kasaysayan ng aking mga nakita Sa kapaligiran ang unti-unti nagiging kumpulan Sa kalooban may naramdamang iba Sa isip punong-puno na ng kaguluhan
Aking nagunita Aking nakita Aking naalala
Ito palang kilala ay ang ganid na buwaya.
- Cristo Bugarin X-Abeleda
 "Pano maging perpekto, kung tingin nyo ay may depekto, nakita nyo ba sa akto na sya ay impakto, baka ikaw ay wala namang ginawang sakto....kaya wag mag pa apekto sa mga utak insekto, na nasa likod naman ay may ginagawang multo".
isa po akong pilay may dalawang saklay... ito ang isa sa aking mga pilosopiya...
- Noel Bonanciar
image by: don don villaluz
 Holding back thy mystic path. Thy darkest shadow haunts me back. Lightning stuck as thunder roars While the clouds wrath change thy vision
This day turns blackened gray my forever night Blood as tears fallen down thy eye forever cry Darkness reigns and forever me insane Fallen down the on the deepest ground
Heart bewitch by devils spell Creeping beneath the boiling sand Challenges in every hand Fallen it seems thy mind obscene
I slowly turn to my evil means Shocked by the deed of mankind trust I was alone again in this task.
- Cristo Bugarin Abeleda
 Sa Pilipinas mo makikita na ang almusal ng pamilya ay Murahan at Bangayan! Telenovela at Telepantasya na ang bagong libangan ng mga Pilipino. Marimar na ang alam ng mga bata na pambansang awit at si burdado na ang pambansang bayani.
Sa Pinas, pagpaparami ng bata ay kasama na sa everyday routine. Pilipinas din ang bansa na nag-aangkat ng mga basura ng ibang bansa. Sa Pilinas mo din lang makikita na ang mga ilog ay hindi isda ang lumalangoy kundi lumulutang na tao. Sa Pilipinas lang nauusog ang araw ng kalayaan.
Sa Pilipinas akala mo'y metro ng taxi ang pagtaas ng gasolina. At ang mga pinapasahod ng taong bayan ay natutulog lamang sa opisina. Sa Pilipinas natin makikita na ang artista at ang politiko ay iisa at ang mga politikong magkaaway ay nagiging magkabati kapag laban ni pacquiao. Sa Pilipinas, bawal ang lahat! Bawal magsalita at lumaban kundi may palo ng tranchon na galing sa isang batalyong kolokoy. Sa Pilipinas, pinatatayo ang nakaupo at ang bagong upo pilit patatayuin.
Haaaaayyyy Pilipinas nga naman... Haaaaayyyy Pilipino nga naman...
Pero kahit anong mangyari at sabihin ng ibang tao... Mahal ko ang bayan ko! Pilipino ako, Ito ang bayan ko! Masaya, makulay at kakaiba ang ikot nito.
- robertalmario
 Sa pagbuklat ng bagong aklat. Mga letra Mga kataga Mga salita Mga pangungusap Mga talata Mga pahina Mga kasaysayang nagbibigay kahulugan sa mga bagay na likha ng isang tagapagsulat
Sa pagbasa ng mga bagong aklat Ako ay nabigyan ng linaw sa mga bagay sa aking paligiran Mga asong kumakahol Mga ahas na sumisipol Mga ipis sa basurahan Mga langaw na umalingasaw Sa una anong linaw ng kaanyuan Mukhang anghel mula pa sa langit
Itong buhay paikot ikot Itong buhay nagpapasikot sikot Itong buhay pinaiikot Ng mga panggap na mananakop Sana lang malinawan Mga taong naaapakan Mga taong nililinlang Mga taong sa liwasan
Aking isip nalinawan Aking isip natauhan Aking isip nabuhayan Ngayon akoy may direksyon na Tatahakin sa bakong librong babasahin
- Cristo Bugarin X-Abeleda
 Bale 1986 noong una kong nakilala si batman. Wala pang abs-cbn noon, sa BBC-2 pa noon eh panahon ni Marcos na malapit nang mamatay. Wala rin si kris aquino wala pa si boy abunda sikat pa si Herman Moreno noon eh.
Sabi ko, "shet ang galing nito ah" natulala ako noong una kong napanood si batman "shet ang galing nito" sabi ko sa sarili ko "ang galing galing galing ng itsura ni batman" parang kinatam ang mukha. Ang galing ng costume umuumbok ang dibdib pero di pa rin bakat ang utong. Ang galing ng gadgets niya, ang gara ng kotse, ang ganda ng bahay ang galing-galing mag-Ingles, ang galing mangarate actually, pulbos nga ang lahat ng kalaban niya eh. Palagi ko siyang pinapanood tuwing hapon. Palagi akong nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto nyang manood ng lotlot and friend at saka that’s entertainment pero ako isa lang talaga ang gusto kong panoorin. Isa lang ang idol na idol na idol ko talaga.
Bale idol na idol na idol na idol talaga ko talaga si Batman dibale na si robin ayoko si robin kase parang bading. Ano nga kaya ang relasyon nila ni Batman? Pero idol ko talaga si Batman. Palagi ko at siyang dinodrowing, lagi ko siyang ginagaya lahat ng bagay na batman gustong gusto ko meron ako. Yung t-shirt ko batman, yung lunchbox ko batman, yung pencilcase ko, yung panyo, yung sombrero, yung toothbrush, yung brief ko lahat yon batman. Mahal na mahal ako ng tatay ko kase kahit mahirap lang kami palagi nya akong binibili ng Batman na bagay pero minsan gusto ko talaga ng batmobile na laruan nagpabili ako sa kanya sabi ko tay bili mo naman ako ng batmobile pero katatae nya lang yata nya non sa trabaho at wala na sya pera kase kasali yata siya noon sa unyon nagwala yata sa ticket line kaya yun natanggal. Kaya kumuha na lng siya ng karak-karak na lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng tansan at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal
At lumipas na nga ang mga taon ng si batman ay halos tuluyan ng naglaho mula sa aking alaala. Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan, alam kong naroon parin si batman. Isang tahimik na aninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak at kwarto. At mula noon ay nag-iba na ang ihip ng hangin,nagulo na ang ikot ng mundo kumupas na ang kulay ng buhay. Dumaan ang mga kasintahan, ang mga asawa, ang mga taong akala mo mo’y kaibigan yun pala ay tarantado. Mga artistang araw-araw mong napapanood sa tv na mga bobo. Mga pulitikong bobo, mga trabahong maliit lang ang suweldo isang milyon bundok ng problema, isang sakahan ng hinanakit isang mundo ng hinanagpis. Hindi ko na matagalan hindi ko na matiis, hindi ko na kaya.
Ngayon hindi ko na talaga kaya, hindi ko na talaga kaya, hindi ko na kaya. May narinig akong putok mula sa kaibuturan ng aking utak. Bumigay na ang tali sumabog na ang bulkan nabasag na ang pula kaya ngayon. Isang madilim na madilim na gabi ako ay narito ay narito na sa tuk-tok ng isang mataas na mataas na building sa ayala. Ang sarap ng hanging umiihip-ihip sa aking kappa. Nakataas ang aking kamay, nakataas na ang kamay malapit na akong lumipad malapit na akong lumipad.
E pero, bigla kong naisip, hindi naman pala lumilipad si Batman, 'di ba Hindi naman pala lumilipad si Batman Hindi naman pala lumilipad si Batman kaya, paalam, malupit na mundo Paalam, mahal. Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po Lolo sa tuhod, paalam po. Lola sa siko, paalam po Bantay, paalam. Muning, paalam. Ewan ko kung sinong 'papakain sa inyo Paalam po, Aling Tekla. Paalam po, Mang Goryo Tsaka ko na lang po babayaran yung sukang inutang ko sa yo Paalam, Junjun, Paalam, Bongbong, Babay, Rose, hoy, babay Babay Pini, Babay Baby, Babay Pablo, Asis, Rastem, BJ, Jay, sige 'yan Wowie, sige pare, Pards, Arwin, ingat kayo, Sige paalam.
- Radioactive Sago Project
 “Bayang magiliw, perlas ng silanganan…” mga kataga unang lumalabas sa aking bibig kapag kinakanta ang ating pambansang awit. Ang ating pambansang awit ay sinulat ni kinompose ni Julian Filepe noong taong 1898 at base sa tula ni Jose Palma noong 1899.
Naalala ko noong pumunta ako sa isang pagpupulong sa isang samahan sa “Toastmaster” sa isang silid aralan. Habang ako ay nakikinig sa nagsasalita sa harap napansin ko na may lawaran at lyrics n gating pambansang awit. Aking itong binasa sa aking isipan ng marahan. Habang binabasa at unti unti kong nararamdaman na umiinit ang aking dugo at lumalagablab ang puso. Mararil noon ko lang nadarama ang salita at mungkahi n gating mga bayani noong unang panahon. Bigla nalamang pumasok sa aking isipan ang mga kasaysayan ng ating inang bayan, ang kanyang pinagdaanan sa mga dayuhan. Marahil naramdaman ko rin ito simula nang nagtrabaho ako ditto sa ibang bansa.
Kapag ikaw lumabas ng iyong sariling bansa doon mo lang malalaman ang tunay mong pagkatao. Nagtratrabaho ako dito sa Saudi Arabia ng kulang kulang sampung taon at marami na rin akong karanasan at nakatrabaho na ibang lahi kagaya ng French, British, American, Saudi, Pakistani, Indian, Bangladesh, Lebanese, Palestinian, Jordanian, Syrian at kapwa Filipino. Ibat ibang ugali ang iyong pakikisamahan upang kumita lamang ng konting pera na para sa ikabubuti ng iyong pamilya sa Pilipinas.
Dati rati noong sa Pilipinas pa ako nagtratrabaho hindi nagiging problema ang mga nararanasan ko dito sa Saudi. Ako ay may direction sa trabaho at Masaya ako sa trabaho at katrabaho. Ngunit dito sa Saudi ibang klase din ang sistema dahil nga sa ibat ibang lahi ang iyong makakasama. Ibat ibang ugali ang iyong haharapin. Ibat ibang pananaw sa trabaho at higit sa lahat ibat ibang salita. Pero ito narin marahil ang nagpapasarap at nagbibigay interest sa ating hinarap. Mas mauunawaan natin ang mga cultura ng ibat ibang lahi.
Ang mga bagay na ito ay maaring magbigay ng influencia sa ating pamumuhay at paguugali. Habang tumagal ka sa isang lugar mas lumalalim ang influencia sayo ng mga cultura sa paligid. Kaya rin siguro karamihan na nakikilala ko na Filipino na nagtratrabaho sa ibang bansa ay nagiiba ang ugali hindi dahil sa gusto nila ito kundi sa hindi nila napapansin na sila ay naiinfluenciahan na ng ibang lahi.
Naiisip ko ang ating mga pambansang bayani katulad nila Jose Rizal na lumabas din n gating bansa. Marahil nga na dalawa lang ang pwede mangyari sa iyo. Maaring makain ka ng kultura ng ibang lahi sa iyong kapaligiran o ipaglaban mo ang iyong lahing pinangalingan.
Noong ako ay pauwi minsan ng Pilipinas aking naisip sa sarili ang mga bagay sa kapaligiran at aking sinubukan kantahin ang “Lupang Hinirang” sa isipan. Mas mabagal, mas inuunawa, mas may damdamin isinasaisip an gating pambansang awit at aking naramdaman na ang aking dugo ay umiinit ang mga mata ay maaring lumuha an gang puso ay tumitibok. Tanging ang “Lupang Hinirang” lamang ang aking maaring sandata panlaban sa pananakop ng ibang kultura sa sarili kong lahi.
Kaya sa mga kabayan natin sana tandaan natin na masarap magkaroon ng sariling kultura at sariling kalayaan sa ibang dahuyan. Ating mahalin an gating lipunan sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw sa nakaraan. Maaring hindi maganda ang mga galaw n gating pinuno ng ating bayan pero kung pati tayo ay sasabay maaring mas malala pa ang mga mangyari sa ating buhay. Bakit hindi natin subukan sa pambansang awit natin ilagay ang nararamdaman. Mga kapatid an gating pambansang awit ang “Lupang Hinirang”
Tagalog Version Bayang magiliw Perlas ng Silanganan, Alab ng puso Sa dibdib mo'y buhay. Lupang hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig, 'Di ka pasisiil. Sa dagat at bundok, Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula at awit Sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya Kailan pa ma'y 'di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo; Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil sa 'yo.
CEBUANO VERSION Yutang Tabunon Mutya kang masilakon Putling bahandi Amo kang gimahal Mithing gisimba Yuta kas mga bayani Sa malupigon, Pagadapigan ka Ang mga bungtod mo ug lapyaan, Ang langit mong bughaw Nagapalanog sa giawit Ang mahal nga kagawasan Silaw sa adlaw ug bituon Sa nasudnong bandila Nagatimaan nga buhion ta Ang atong pagkausa Yutang maanyag duyan ka sa pagmahal Landog sa langit ang dughan mo Pagatam-ison namo kung maulipon man Ang kamatayon sa ngalan mo
ILOCANO VERSION Imnas nga ili Baggak ti dumadaya 'Toy ay-ayatmi Ti sagutmi kenka Daga't kinasudi Indayon ti nakired Iti mangdadael Haanka pailuges Iti tangatang, ulep ken pul-oy Bambantay ken baybay Addan dayag ti daniw ken dayyeng Ti napateg a wayam Ti raniag ta wagaywaymo Ket balligi a nasileng Ti init ken dag'ti bitbituenna Dinto pulos aglidem Nakaliblibnos unay a daga't ayat Daytoy biag, langit dita dennam Ngem no ti dayawmo't inda dadaesen Ingga't tanem, sumalakankam
ENGLISH VERSION Beloved country, Pearl of the Orient, The heart's fervor, In your chest is ever alive. Chosen Land, You are the cradle of the brave, To the conquerors, You shall never surrender. Through the seas and mountains, Through the air and your blue sky, There is splendor in the poem and song of beloved freedom. The sparkle of your flag Is shining victory. Its stars and sun will never dim. Land of glory, the sun of our affections, Life is heaven in your arms; When someone oppresses you, it is our pleasure To die for you.
- Cristo Bugarin X-Abeleda
|