Apat na tao sa iisang Kwadro!

Hawlang Bukas 04/07/2009
 

Gusto kong mag pumiglas… Nais kong makawala… ngunit sa aking pagbaling hawlang bukas ang nasa paningin… Lalabas ba ako? O tititigan lang  ang kalayaang nasa aking harapan. Puso ko'y tumatanggi Ayaw kong makawala. Dito ang buhay ko… Ito ang mundo ko…  Kutyain man ako ng karamihan, husgahan man ako ninumam mananatili ako dito ngayon, bukas o hanggang kailanman.

Pero bakit may lungkot, at pag-aalinlangan? Masaya ba ako sa hawlang kinalulugdan? Bakit kaligayahan minsa'y napapalitan ng kirot at gabing luhaan.? Katanunga'y umaapaw sa isip kung nagugulumihan? Ang kailanman ba'y magiging paalaman? Ang hawlang bukas ba'y tuluyan ng iiwan? Tititigan ko nalang ba ang pinto ng kalayaan? o isasara at tuluyang di na bubuksan. Ayokong mabatid mga sagot sa katanungan dahil alam ko ako'y masasaktan.

Gusto kong sumigaw, puso ko'y hawakan hilain palabas sa hawlang bukas. Ngunit kawalan ang nasisilayan sa labas ng katotohanan. Batid ko damdamin ko'y luluha pag kita'y nilisan dahil, sa hawlang bukas puso ko'y maiiwan…Mananatili ako sa hawlang ating ginawa. Isang hawlang bukas, na ni isa sa atin walang gustong makawala…


Concept by:
Iday
Photo by:
robertalmario


 


Comments




Leave a Reply