Apat na tao sa iisang Kwadro!

 

Nakikita ba ang kahapon?
O ang bukas na darating?
Paano sisilipin ang buwan na bulag?
O ang araw na dilat?

Ano kaya kung ika'y maging bato?
at ako'y maging isang abo?
Hahayaan mo bang dadaloy ang dugo ko sa ugat mo?
O kakalimutan mo ang sarili ko?

Hindi natin makikita kung ano ako bukas
o kung ano ang nasa wakas.
Ngunit gusto kong malaman mo kung sino ako
at kung ano ang kahapon ko.

- robertalmario
Photo by: robertalmario


 


Comments

Wed, 05 Jan 2011 03:35:20

Eilo,

ganda ng texture! san lugar po e2?

 

robertalmario

Thu, 06 Jan 2011 21:17:38

Hi!

Sa may Al-Ula yan, papuntang Madain Saleh.

 

MARICRIS A CORTEZ

Fri, 07 Jan 2011 19:34:15

hi!

what a small world! kilala kau ni dahlia escario? hahaha.. mai friends sister.. cool! kala nia magkakilala tau.. hehehe.. ahh.. sir! npopost ko mga konsepto mu sa fb account ko ha! ni share ko gawa mu.. ganda kc! tagahanga ako sa mga kuha mu! hehehe.. ganda tlga kc ng konsepto! "bintana ng kahapon" 100 thumps up! isa at natatanging ng komento saio..

 

robertalmario

Fri, 07 Jan 2011 20:09:28

ok lang... hehee.. salamat.

 



Leave a Reply