Rich Juan Tamad?
kilala ko 'yan... kilala siya sa pangalang: Poor Juan Masipag!
gaano kaya katotoo itong sinasabi kay Juan noong siya ay bata pa?
"...anak, mag tapos ka ng iyong pag aaral nang makakuha ka ng magandang trabaho." -- pangkaraniwang naririnig sa mga magulang.
"...anak, ikaw tapos iyo aral para ikaw takbo iyo sarile nekosyo." -- malamang eto ang mga salita ng intsik na magulang.
'yan ang mga salitang madalas ko nang naririnig... pero mahirap ko pa ring paniwalaan.
bakit kan'yo?
ganito 'yan sa malabo kong pananaw. katulad ng tao, winelkam tayo sa pagiging sanggol... lumalaki nagiging bata... nagiging binata... nagiging magulang... nagiging lolo.... wala tayong choice. tatanda at tatanda tayo sa ayaw at sa gusto natin.
ang tanong: paano nga naging Rich Juan Tamad ang dating Poor Juan Masipag? kase nga ang pag asenso ni juan ay katulad din ng isang sanggol. kailangan niya rin mag progress... mag mature. higit sa lahat, alam niya na may choice siya: magreklamo/manisi o gagawa ng paraan. sa ayaw at sa gusto niya, andiyan lang ang choices niya.
pangkaraniwan lang naman na pag first time natin sa trabaho, katulad ng sanggol, winelkam din si Poor Juan Masipag at unti unti niyang nadevelop ang...
EMPLEYO mentality
kailangang magtrabaho para kumita.
-- kaya lang nakasalalay ang pang araw araw niya sa kinikita niya sa araw araw.
-- kahit anong pagsusumikap at pagsisipsip, wala talaga. hanggang dun lang ang kita. wala namang magawa ang employer. maglupasay man siya nang kakasipsip diyan, walang budget para sa kanya.
-- imbes na magreklamo, manisi at mag welga malamang mas pinili na niya na magkaroon ng....
KARIR mentality
malamang medyo experto na siya sa trabaho kaya kinakarir n'ya na ito - nagtatrabaho na rin siya sa iba. o mas malamang, baka may nadiskubre siyang talento na puwede niyang pagkakitaan, kaya nakakapag sideline na rin siya.
-- kaya ok lang maski mababa ang kinikita sa isang employer kasi marami naman sila.
-- pero na realize niya na sapat nga bang paglingkuran ang mga amo niyang negosyanteng umaasa lang sa mga abilidad niya.
-- kaya bago n'ya pa naitanong sa sarili niya na "what is my wisdom if my master is a fool?" nadevelop na niya ang...
NEGOSYANTE mentality
kasi nga medyo experto na siya sa karir niya, nagtayo na siya ng sarili niyang negosyo
-- napatunayan niya na mas magaling nga siya kesa sa mga naging amo niya.
-- regardless kung maganda man o hindi ang takbo ng business niya, na realize niya na kulang palagi ang 24 oras.
-- kaya imbes na naghuhumiyaw siya at sinisisi ang mundo bakit ganito kalupit ang tadhana: sala sa lamig... sala sa init! nag train siya ng magiging magaling na manager niya kasi mas pinili niyang magkaroon ng...
ENJOY NA LANG mentality
-- isa na siyang ganap na tunay na Rich Juan Tamad.
-- minsan isang taon na lang siya magtrabaho... binibigyan niya na lang ng targets ang kanyang mga alipores para sa susunod na taon.
katulad minsan ng isang sanggol na lumabas nang kulang sa buwan...
katulad minsan ng isang teen-ager na nag asawa kaagad...
siniguro lang ni Poor Juan Masipag na hindi siya aasenso nang pre-mature.
ika nga ni Rich Juan Tamad: EMPLEYO mentality ka pa lang, nag NEGOSYO ka na... nagtataka ka pa bakit ka nalugi!
ika nga ni Rich Juan Tamad: may ENJOY NA LANG mentality ka nga, wala ka pa namang taong nagpapatakbo ng kumpanya mo (baka nga sariling kumpanya wala ka rin)... nagtataka ka pa bakit mga tao kahit saang forums asiwa sa'yo!
ika nga ni Rich Juan Tamad: marahil... kaya ka nagrereklamo... malamang isa kang pre-mature na Rich Juan Tamad!
ang inyong lingkod...
si roniroa po... isa rin pong pre-mature!