
Sa aking pagkalugmok sa kaisipang nagpagbago ng lahat at akala ko’y magiging tahimik na ang ala-ala ang nakaraan… Hindi pala! Hindi pala!… Bagkus ito’y isang bangungot na gumagambala lamang sa aking matuwid na nakaraan. Nakaraang nasa akin pa ang lahat.
Napapagod na akong mag-isip, ngunit patuloy pa rin sa pag-ikot ang aking kamalayan at ayaw nang huminto. Hindi ko na alam kung saan ito patungo at kung may pag-asa pang magbago. Nagiging tulala na lang araw-araw na akala mo’y may isang sumpa ng tadhana.
At minsa’y nahuhuli kong nakangiti at nakatitig sa kawalan ang aking sarili. Kay lawak ng kawalan, kay gandang pagmasdan ang kalawakan. Oh! kay sarap pagmasdan ang kalawakan! Isa na pala ako sa mga taong lumulutang sa isang mundo ng walang pakiaalam.
Photo and Concept By: robertalmario
Model: Boy "Virgolyn" Sarmiento