Apat na tao sa iisang Kwadro!

 

Sometime ago, the foxes went for a photo shoot at the helipad facility in aramco khurais.  the sunset created a melancholic mood and the word "devastation" got in the picture.  i argued what has "the bus station" (devastation) got to do in the helipad?  while sharing their photos through a pingpong of e-mail, i collected them and made a poem for it.



Isang dapit hapon.
 
sinasaksihan
ng mga nahahawing ulap
ang banayad na pag ihip ng hangin
na umaalinsabay
sa unti unting paglamon
ng nakaantabay na kadiliman
sa nananmlay na liwanag            na maghapong nagpakapagal


Bago man lamang sana
na tuluyan nang mahimlay
ang liwanag na nagpaparaya...


Umaasa pa ako
na kahit papaano
dumating nang matiwasay

ang bus kong pinakahihintay
 

ngunit ano ang gagawin ko?

ano pa ba ang magagawa ko?


Aha! alam ko na!
mayroon nga pala akong mababasa!

sa aking galak ako ay napa igtad
pati ang nakalubog na araw ay siya ring napa angat!


Araw na nagulat
bahagya pa ring
umangat
pilit na sinisilip
flight plan na aking iniipit

bus schedule, hinanap ko pa ring pilit!


Ngunit sa pagka dismaya
ang araw ayaw na rin magpakita
at tuluyan na ring lilisan maya maya pa
paghihintay ko, hanggang kailan pa ba?


Kulang ang walang hanggan
ang sagot ko
sa hamon ng pag aalinlangan...
bus ko man ay hindi dumaan.
araw man ako ay iwanan
ako ay maghihintay
pa rin
nang walang katapusan!

- Roni Roa

Photos By:
Andrew Ian Salegumba, Buddy Venturanza & Filan Ventic


 


Comments

Fri, 24 Oct 2008 07:08:36

ayos ito ah... ang lalim!

 



Leave a Reply