Apat na tao sa iisang Kwadro!

 

Sa kahong aking tangan-tangan, na tila isang bayan na aking pasan-pasan. Sa araw-araw ng aking buhay, tila isang tinik na itinatarak sa aking lalamunan. Sa araw-araw na pasakit at paghihigpit sa aking kalayaan, ako ay nagtanong,  “nararapat bang ikahon ang aking isipan at kalayaan?”. Marapat nga ba kayang sundin ang patakaran na kayo lamang ang may kagustuhan? 

Ngayon, sa aking paglakad sa gitna ng kawalan, katulad ng paghanap sa katarungan na aking inaaasam. Isang katarungan para sa mga nawalan, para sa mga namatayan at para sa mga pinaglamayan. Pagsikil sa ating katarungan, ay tila isang pagsikil sa aking kamalayan. 

Mga walang muwang na pinatay, mga taong isinilid sa kahon ni kamatayan. Mga politiko, mga istudyante, mga komentarista, mga mamamahayag at mga aktibista. Ngayon ay nakahandusay ang katawan habang natatakpan ng dyaryong hubad ang laman.

Walang saysay na kamatayan, walang saysay ang pinaglaban, nauwi lamang sa kamatayan. 

Mananatili ba tayong bulag, pipi at bingi sa ating kapaligiran? Mananatili na lang ba tayo sa katahimikan? At hahayaan na lang ba natin na tayo’y ginagawang api-apihan? Tulad ng mga manggagawang nagpapakasakit sa ibang bayan para lamang sa ating inang bayan.

Photo by: Cristo Bugarin X-Abeleda
Concept by: robertalmario


 


Comments




Leave a Reply