Apat na tao sa iisang Kwadro!

 

Hindi ko maalis sa aking isipan ang lahat ng masakit na nakaraan. Pipilitin ko bang limutin at ibabaon sa baul ng nakaraan? Nararapat bang itanim sa aking dibdib at isipan? O hahayaan kong umagos ang dugo sa aking mga kamay hanggang sa mawalan ng malay at baka sakaling sa ganitong paraan, tumigil ang ikot ng aking mundo.

Ginawa kong takpan ng antipara ang aking mukha araw-araw, pero tumatagos pa rin sa aking maskara kung anong tunay na kulay ang aking nararamdaman. Sabihin man nila na ako’y baliw at ilalagay ko sa aking kamay ang aking buhay, pero ito ang alam kong paraan upang kalimutan ang lahat. 

Sa isang patalim na magsisilbing pampamanhid ng aking buong katawan ang naisip kong paraan na maaaring sa iba ay karuwagan, ngunit para sa akin, ito’y isang katapangan. Sa bawat patak ng dugo na tutulo na nagmula sa aking mga ugat at aagos sa aking mga kamay, isang ngiti ang mamumutawi sa aking mukha.

- robertalmario

Photo and Concept By: robertalmario
Model: Boy Sarmiento



 


Comments




Leave a Reply