Apat na tao sa iisang Kwadro!

 

Ano nga ba ang tamang simbolo ng bagong OFW? May silbi pa ba sa bayan ang mga tinaguriang bagong bayani? Lahat tayo ay maaaring tawaging bagong bayani ngunit ano pa nga ba talaga ang importansya o kahulugan nito?

Simula ng maliit pa lamang ako, nangarap na ako na makapunta sa ibang bansa upang makatikim ng isang maayos at masarap na buhay. Iba pala talaga ang buhay OFW. Malayo sa pamilya, malayo sa mga minamahal, tanging mga litrato ng iyong mga mahal sa buhay ang iyong katabi sa pagtulog. Matututo kang mabuhay ng mag-isa, walang taga-luto, walang taga-laba at walang magpplantsa ng iyong mga damit na susuotin sa pagpasok sa opisina.

Minsan may mga araw na dumarating na hindi ko namamalayang kaarawan ko na pala at may mga pagkakataong bigla na lamang akong napapaluha. Hindi ko alintana ang mga araw na nagdaraan dahil ang aking inisip sa araw-araw ay ang makapagpadala ng pera sa Pilipinas at ang lagay ng aking mga mahal. Maayos kaya ang aking pamilya? Kumain na kaya sila? Bakit kaya hindi sila nagttext? Buo pa kaya ang aking pinadalang Celfone? Kumusta na kaya ang aming kapitbahay na chismosa? Buhay pa kaya ang aking mga kabarkada? Eh ang aking mga sinumpang kakilala, patay na kaya? Bukas pa kaya ang alibangbang? Eh ang ACT theater sa cubao, napasara na kaya ni Mayor? Magkano na kaya ang bigas at gasolina?

Haaaayyy.. nakakamis din pala talaga ang pinas kahit ubod ng trapik. Nakakamis din pala ang Pilipinas kahit ubod ng ingay ng kalsada. Ang sigawan sa kalye, ang mga batang nagtatakbuhan sa kalsada tuwing hapon, ang saksakan ng mga laseng tuwing mag-iinuman at ang murahan ng aming kapitbahay.

Marami na akong kamag-anak na nagsipag-abroad at nagpapadala ng limpak-limpak ng salapi para sa kanilang pamilya na nasa Piliinas. Sa bawat dolyar na pinapadala natin sa ating mga pamilya, sino ba talaga ang nakikinabang? Ang ating pamilya ba o ang ibang tao? Yan ang mga katanungang hindi pa rin nasasagot sa aking isipan. Kaya, ano ba talaga ang OFW? Ano ba talaga ang silbi o simbolo ng isang OFW para sa kanyang bansa?

Para sa akin, ang bagong simbolo ng OFW ay isang simpleng tao na nagpapakahirap para sa pamilya sa Pilipinas at para sa kanyang Bayan. Isa sa mga simbolo ng isang tunay na OFW ang aking tiyuhin na namatay sa Pilipinas pagkaraan ng ilang linggong pagbakasyon sa Pilipinas upang makapagpahinga at makapiling ang kanyang pamilya. Nagkasakit sa kanyang bansang pinagsilbihan ng walong taon. Walong taong nagtiis, walong taong nagdusa, walong taon! Walong taon!

Sa kabila ng pagpapakahirap sa ibang bansa na kung saan malayo sa kanyang mga minamahal, walang kamag-anak ni walang kasama. Nagtitiis sa hirap, pagod, init, lamig at sa pang-aalipusta ng ibang tao. Pilit tinitiis, pikit matang tinitiis ang lahat ng sakit para lamang maiahon sa hirap ang kanyang mga mahal sa buhay at ang kanyang bayan sa pagkakalugmok sa kahirapan at pagkalubog sa utang.

Sa kabila ng lahat, luha at bigong umuwi sa kanyang lupang tinubuan, lupang minamahal..... Ang ating bayang Pilipinas.

- robertalmario

Concept by: robertalmario
Photo by: fHerD Tiongson


 


Comments

XTO

Thu, 03 Jul 2008 15:04:18

Hi Robert...always expected that you can be a better writer. I enjoy reading your concept and sympatize to your ideas. Keep on writing!!!Mabuhay ka!!!

 

Sun, 21 Jun 2009 03:34:54

hindi maganda ang symbol na ginawa mo ROBERT!!!

 



Leave a Reply

    Author

    Hobbyist, Photographer, Newbie, Artist, Computer & Camera Freak, Anti Dictatorial Parents, Contributor, Tax Payer, Filipino, Manilenyo

    Archives

    April 2009
    March 2009
    January 2009
    December 2008
    November 2008
    October 2008
    September 2008
    August 2008
    July 2008
    June 2008

    Categories

    All
    Kapet Gatas
    Sa Kanto Ko Kanto Natin At Kanto Nila
    Usapang Kapihan

    RSS Feed