Apat na tao sa iisang Kwadro!

Salamat Kaibigan 12/29/2008
 

Disyembre na naman, buwan ng kalungkutan.
Buwan ng pagtitiis sa pusong sugatan.
Lilisan na naman ang aking kaligayahan
Babalik sa pugad na kanyang pinagmulan.

Isa akong babaing nagmamahal lang
Na ang nais lamang ay pag-ibig na suklian.
Di ko hangad ang papel ng katotohanan
Ang tanging hangad ko lang ay pahalagahan.

Umiibig ako sa isang taong gapos.
Sa kadenang hindi maaaring humilagpos.
Kasiyahan ay nadarama sa tuwing kapilang siya
Ngunit sa kapaskuhan ako'y luhaan, at nagiisa.

Ngunit ngayong Desyembre ako'y may nakilala
Isang kaibigan na nakapagpasaya.
Isang kaibigan na di ko inaasahan
Na makapagbibigay ng konting kaligayahan.

Ang buwang ito ay aking itinala
Buwan ng paglimot sa pangungulila.
Kaya kalungkutan ika'y lumisan
Di kita kailangan kundi itong aking kaibigan.

Kaibigan Salamat sa iyong pagdating
Ikaw ang nag pawi sa aking mga daing.
Bawat araw ako'y iyong pinapatawa
Para kalimutan ang mga problema

Mga salita mo'y sa puso ko'y gumuguhit
Isang marka ng katotohanan na di maipagkait.
Tinuruan mo ako sa sarili'y maging matapat
Tinanggap na kaibigan sa kabila ng lahat.

Salamat kaibigan sa konting panahon
Lagi kang nandiyan bawat pagkakataon.
Ngunit kaibigan kailangan ko ng mag paalam
Dahil babalik na, pusong sandaling pinakawalan.

Paalam, kaibigan hindi kita makakalimutan
Lagi kang maiisip magpakailanman
Dahil minsan sa buhay ng aking pag-iisa
Dumating ka kaibigan para ako'y mapasaya…
Salamat kaibigan, alam mo kung sino ka….

Concept by: Iday
Photo by:
Cristo Bugarin X-Abeleda


 
 

Tila nakakulong sa isang malawak at masukal na kagubatan ang aking isipan.
Naglalayag at hindi makapagpahayag.
Dilat ang aking mga mata ngunit hindi makakita.
Bukas ang mga bibig ngunit hindi makapagsalita.

Mas mabuti pang takpan ko na lang ang aking mga mata
dahil dilat nga ang aking mga mata ngunit hindi naman makakita.
Tatakpan ko na laman ang aking bibig
dahil bukas nga ang aking bibig ngunit wala namang lumalabas na tinig.

Ako'y nabubulagan sa kadilimang aking nakikita at nabibingi sa iyong katahimikan.

Photo & Concept by: robertalmario


 
 

Nakikita ba ang kahapon?
O ang bukas na darating?
Paano sisilipin ang buwan na bulag?
O ang araw na dilat?

Ano kaya kung ika'y maging bato?
at ako'y maging isang abo?
Hahayaan mo bang dadaloy ang dugo ko sa ugat mo?
O kakalimutan mo ang sarili ko?

Hindi natin makikita kung ano ako bukas
o kung ano ang nasa wakas.
Ngunit gusto kong malaman mo kung sino ako
at kung ano ang kahapon ko.

- robertalmario
Photo by: robertalmario


 
Last Ride 12/12/2008
 

I'm always facing this predicament... Feeling of being alone and f*cked up!
I don't have no one to talk to, I don't have no one to lean on.
I don't think no one can help me, understand me on what's happening on this d@mn f*cking life!

Can you blame me for asking? NO!... Why?!
Because, no one in this world would understand how I am feeling right now.
And, I don't want anyone to understand me! I don't need someone to understand me!
This is me! This is me! This is my life... My d@mn, bullsh*t, and f*cking life!

- robertalmario
Photo by: robertalmario