Sometime ago, the foxes went for a photo shoot at the helipad facility in aramco khurais. the sunset created a melancholic mood and the word "devastation" got in the picture. i argued what has "the bus station" (devastation) got to do in the helipad? while sharing their photos through a pingpong of e-mail, i collected them and made a poem for it.

Isang dapit hapon.
sinasaksihan
ng mga nahahawing ulap
ang banayad na pag ihip ng hangin
na umaalinsabay
sa unti unting paglamon
ng nakaantabay na kadiliman
sa nananmlay na liwanag na maghapong nagpakapagal

Bago man lamang sana
na tuluyan nang mahimlay
ang liwanag na nagpaparaya...

Umaasa pa ako
na kahit papaano
dumating nang matiwasay
ang bus kong pinakahihintay
ngunit ano ang gagawin ko?
ano pa ba ang magagawa ko?

Aha! alam ko na!
mayroon nga pala akong mababasa!
sa aking galak ako ay napa igtad
pati ang nakalubog na araw ay siya ring napa angat!

Araw na nagulat
bahagya pa ring
umangat pilit na sinisilip
flight plan na aking iniipit
bus schedule, hinanap ko pa ring pilit!

Ngunit sa pagka dismaya
ang araw ayaw na rin magpakita
at tuluyan na ring lilisan maya maya pa
paghihintay ko, hanggang kailan pa ba?

Kulang ang walang hanggan
ang sagot ko
sa hamon ng pag aalinlangan...
bus ko man ay hindi dumaan.
araw man ako ay iwanan
ako ay maghihintay
pa rin
nang walang katapusan!
- Roni Roa
Photos By:Andrew Ian Salegumba, Buddy Venturanza & Filan Ventic
Ang mga weirdo
Mukha daw mga sira ulo
Sunod-sunod sa uso
Masabi lang sila ay weirdo
Merong mga weirdo
Iba ang mga trip at tipo
Gustong iba sa karaniwang tao
Kahit na magmukhang aso
May mga weirdong matatalino
Maraming mga talento
Ayaw lang pakita sa tao
At marami silang mga sekreto
Karamihan sa mga weirdo
Laging nag-iisa at naiisa at nasa dulo
Nagiisip na kung ano-ano
At mukha silang henyo
Sa kasalukuyang panahon
Weirdo masyado ng komplikado
Malala na sa bisyo
Pinapasok kahit na delikado
Kung lahat ng tao ay weirdo
Sa tingin mo may pagbabago?
Sa ibat-iba nilang mga punto
Magbabago ba ang mundo
By: laypi_24
Anong bago sa luma
Kung luma na ang bago
Pwede ba maging bago ang luma
Pano pag wala ng bago?
Kailangan natin lagi ng bago
Di na pinapansin ang luma
Pero san ka ba nag mula
Di ba sa luma
Bago ka mag magbago
Lingunin mo muna ang luma
Baka akala mo lang luma
Pero bago pa pala
Magulo ang tao
Maraming abusado
Kahit saan delikado
Nagbago na ba ang mundo?
Ikaw gusto mo bang bago
Bago mo gustuhin ang bago
Siguruduhing ayaw mo na sa luma
Para di ka rin maluma
Bago ang lahat
Ikaw ay luma na
Kaya bago ka maluma
Magbago KA!
By: laypi_24