Apat na tao sa iisang Kwadro!

 

Hindi ko maalis sa aking isipan ang lahat ng masakit na nakaraan. Pipilitin ko bang limutin at ibabaon sa baul ng nakaraan? Nararapat bang itanim sa aking dibdib at isipan? O hahayaan kong umagos ang dugo sa aking mga kamay hanggang sa mawalan ng malay at baka sakaling sa ganitong paraan, tumigil ang ikot ng aking mundo.

Ginawa kong takpan ng antipara ang aking mukha araw-araw, pero tumatagos pa rin sa aking maskara kung anong tunay na kulay ang aking nararamdaman. Sabihin man nila na ako’y baliw at ilalagay ko sa aking kamay ang aking buhay, pero ito ang alam kong paraan upang kalimutan ang lahat. 

Sa isang patalim na magsisilbing pampamanhid ng aking buong katawan ang naisip kong paraan na maaaring sa iba ay karuwagan, ngunit para sa akin, ito’y isang katapangan. Sa bawat patak ng dugo na tutulo na nagmula sa aking mga ugat at aagos sa aking mga kamay, isang ngiti ang mamumutawi sa aking mukha.

- robertalmario

Photo and Concept By: robertalmario
Model: Boy Sarmiento



 
Pamamaalam 08/04/2008
 

Anong Sakit Na Nadarama
Anong Sakit Na Nadarama
Anong Sakit….Sakit Ng Puso

Pagmamahal Binigay Sa Kapwa
Pagmamahal Binigay Sa Pamilya
Pagmamahal Binigay Sa Aking Sinta

Nalilito Sa Mga Nakikita
Nalilito Sa Mga Diwa
Nalulunod Sa Luha

Tanong Ito Ba Ang Tadhana?
Ito Ba Talaga Guhit Ng Palad?
Tanong Na Paulit Ulit Tuwing Nadarama
Sakit Na Sumasaksak Sa Pusong Tumitibok

Wala Na Bang Solution At Puro Salita Galing
Sa Panginoon Na Ginagamit Ng Mga Walang Kwentang
Panggap Sa Lipunan

Wala Na Bang Makausap Na Totoong Tao Sa Kapaligiran
Na Pilit Nagmamarunong Upang Ikaw Ay Tulungan Ngunit
Pinupuno Ang Iyong Kalooban Ng Plastic Para Ikaw Ay Mabulunan

Walang Maisip Na Direksyon
Walang Maisip Na Solution
Walang Maisip Na Definisyon

Lahat Nalang Walang Saysay
Lahat Nalang Ay Basura
Lahat Nalang Ay Walang Kwenta

Sa Mundong Ito Aking Kasaysayan Punong Puno Ng Karanasan Na Napupuno Ng Sakit Sa Puso
Pusong Sugat Sugat At Pilit Ginagamot Pero Paulit Ulit Dumurugo Sakit Masakit Ubod Ng Sakit 

Pero Panalangin Sa Diyos Na Tunay Na Gabay Patawarin Mga Taong Katulad Ko Na Namumulat Sa Katotohanan

Sakit Na Nadarama Hindi Na Alam Kung Kaya Pa
Sakit Na Nadarama Hindi Ko Na Alam Kung Kaya Ko Pa
Sakit Na Nadarama Aking Ipinauubaya Na Sayo Aking Ama Diyos Ko Gabay Ko

Maaring Pakawalan Ko Na Aking Kaluluwa Para Syang Maglakbay At Wag Na Makaramdam Ng Mga Sakit Na Nasa Kalooban

Aking Pagmamahal Sa Aking Ina
Aking Inaalay Sa Iyo Aking Katawan
Upang Magbigay Say Say  Sa Iyong Pagagabay At Pagaaruga

Aking Puso Aking Walang Hanggang Pagmamahal
Aking Inaalay Sa Iyo Aking Sinta Pati Narin Aking Kaluluwa Na Magmamasid Magaruga Sa Iyong Kaligtasan

Aking Utak Aking Kaalaman Aking Inaalay
Sa Mundong Kay Gulo At Puno Ng Kasalanan Upang Naway Mapagaralam Aking Kaalaman

Sa Kapwa Ko
Sa Pamilya Ko
Sa Irog Ko
 

Paaalam

- Cristo Bugarin X-Abeleda