Apat na tao sa iisang Kwadro!

Sa Aking Sarili 07/25/2008
 

Lagi na lang akong tulala at laging may iniisip. Minsan naisip ko, ako nga ba’y isang baliw??! Naglalakad sa kalye na wala sa sarili, at hindi ko na alam ang aking patutunguhan. Parang gusto ko nang ipikit ang aking mga mata at pagpantayin ang aking mga paa. Minsan gusto ko nang magtago at baka sakaling makalimutan ka pero kahit anong gawin, naiisip ka.

Lahat ng paraan ay ginawa na, pero bakit hindi pa rin kita maalis sa aking isipan. Sa tuwing naaalala ka, ako’y nasasaktan lamang, pagka't hindi ko na alam kung nasaan ka. Wala na akong balita pa sa’yo simula ng inilayo ka ng mga magulang mo. Parang ngayon ko lang naisip na hindi mo ako mahal. HINDI MO AKO MAHAL! Yan ang aking laging isinisigaw… Pagkatapos mong lumayo at ako ay iwan.

Gusto ko nang magpahinga! Gusto ko nang magpahinga! Gusto ko nang magpahinga para makalimutan ka. Nakataas ang aking mga kamay habang pauli't-uli't na binabanggit ang pangalan ng aking mahal. “Mahal patawarin mo ako! Patawarin mo, Patawarin mo!” Hirap na ang aking kalooban ganun din ang aking isipan. Sa pagpikit ng aking mga mata, kasabay ay panalangin, panalangin na sanay hindi na ako magising.

Nang muling mamulat, nakita ko ang mukha ng aking sinta, habang sya sa akin ay nakayakap. Aking pabulong na binibigkas, “AKALA KO’Y HINDI KA NA BABALIK AKING SINTA”. Narinig kong sinabi nyang mahal na mahal kita. Sumisikip ang aking dibdib, sumisikip ang aking dibdib! Hindi ako makahinga! Hindi ako makahinga! Patuloy ang pagluha ng aking mahal.

Ano bang ginawa mo?! Pasigaw na sambit ng aking mahal. Pilit akong ginigising, pilit akong ginigising! Pilit nya akong ginigising sa aking pagkahimlay. Hindi na ako makasalita! Hindi na ako makagalaw! Nararamdaman kong nanlalamig ang aking buong katawan. Sa pagdilat muli ng aking mga mata, nakita ko ang aking katawa'y nakahandusay sa kama. 

- robertalmario

Photo and Concept By: robertalmario
Model: Boy Sarmiento


 
Buwaya 07/25/2008
 

Ako’y may kilala, ganid na buwaya
Sa kanila siya ang bida
Sa mata ko naman siya ay nakakahiya

 Minsan  may kasamang tatang
Tinawagang inaasahang kaibigan
Ngunit siya ay nagulat
Nong nakitang akalang kaibigan
Isa palang kapangalan lamang
Ang nagunita ay malalim na alaala
Na pilit binubura

Ako’y natatawa
Ako’y natutuwa
Ako’y naluluha


Sa kasaysayan ng aking mga nakita
Sa kapaligiran ang unti-unti nagiging kumpulan
Sa kalooban may naramdamang iba
Sa isip punong-puno na ng kaguluhan

Aking nagunita
Aking nakita
Aking naalala

Ito palang kilala ay ang ganid na buwaya.

-
Cristo Bugarin X-Abeleda


 
Untitled 07/23/2008
 


"Pano maging perpekto, kung tingin nyo ay may depekto, nakita nyo ba sa akto na sya ay impakto, baka ikaw ay wala namang ginawang sakto....kaya wag mag pa apekto sa mga utak insekto, na nasa likod naman ay may ginagawang multo".



isa po akong pilay may dalawang saklay... ito ang isa sa aking mga pilosopiya...

- Noel Bonanciar

image by: don don villaluz


 
 

Holding back thy mystic path.
Thy darkest shadow haunts me back.
Lightning stuck as thunder roars
While the clouds wrath change thy vision

This day turns blackened gray my forever night
Blood as tears fallen down thy eye forever cry
Darkness reigns and forever me insane
Fallen down the on the deepest ground

Heart bewitch by devils spell
Creeping beneath the boiling sand
Challenges in every hand
Fallen it seems thy mind obscene

I slowly turn to my evil means
Shocked by the deed of mankind trust
I was alone again in this task.

- Cristo Bugarin Abeleda


 
Sa Pilipinas 07/08/2008
 

Sa Pilipinas mo makikita na ang almusal ng pamilya ay Murahan at Bangayan! Telenovela at Telepantasya na ang bagong libangan ng mga Pilipino. Marimar na ang alam ng mga bata na pambansang awit at si burdado na ang pambansang bayani.

Sa Pinas, pagpaparami ng bata ay kasama na sa everyday routine.
Pilipinas din ang bansa na nag-aangkat ng mga basura ng ibang bansa.
Sa Pilinas mo din lang makikita na ang mga ilog ay hindi isda ang lumalangoy kundi lumulutang na tao. Sa Pilipinas lang nauusog ang araw ng kalayaan.

Sa Pilipinas akala mo'y metro ng taxi ang pagtaas ng gasolina.
At ang mga pinapasahod ng taong bayan ay natutulog lamang sa opisina.
Sa Pilipinas natin makikita na ang artista at ang politiko ay iisa at ang mga politikong magkaaway ay nagiging magkabati kapag laban ni pacquiao.
Sa Pilipinas, bawal ang lahat! Bawal magsalita at lumaban kundi may palo ng tranchon na galing sa isang batalyong kolokoy.
Sa Pilipinas, pinatatayo ang nakaupo at ang bagong upo pilit patatayuin.

Haaaaayyyy Pilipinas nga naman...
Haaaaayyyy Pilipino nga naman...

Pero kahit anong mangyari at sabihin ng ibang tao...
Mahal ko ang bayan ko! Pilipino ako, Ito ang bayan ko! Masaya, makulay at kakaiba ang ikot nito.

- robertalmario


 
Aklat 07/07/2008
 

Sa pagbuklat ng bagong aklat.
Mga letra
Mga kataga
Mga salita
Mga pangungusap
Mga talata
Mga pahina
Mga kasaysayang nagbibigay kahulugan
sa mga bagay na likha ng isang tagapagsulat

Sa pagbasa ng mga bagong aklat
Ako ay nabigyan ng linaw
sa mga bagay sa aking paligiran
Mga asong kumakahol
Mga ahas na sumisipol
Mga ipis sa basurahan
Mga langaw na umalingasaw
Sa una anong linaw ng kaanyuan
Mukhang anghel mula pa sa langit

Itong buhay paikot ikot
Itong buhay nagpapasikot sikot
Itong buhay pinaiikot
Ng mga panggap na mananakop
Sana lang malinawan
Mga taong naaapakan
Mga taong nililinlang
Mga taong sa liwasan

Aking isip nalinawan
Aking isip natauhan
Aking isip nabuhayan
Ngayon akoy may direksyon na
Tatahakin sa bakong librong babasahin

- Cristo Bugarin X-Abeleda


 
 

Bale 1986 noong una kong nakilala si batman. Wala pang abs-cbn noon, sa BBC-2 pa noon eh panahon ni Marcos na malapit nang mamatay. Wala rin si kris aquino wala pa si boy abunda sikat pa si Herman Moreno noon eh.

Sabi ko, "shet ang galing nito ah" natulala ako noong una kong napanood si batman "shet ang galing nito" sabi ko sa sarili ko "ang galing galing galing ng itsura ni batman" parang kinatam ang mukha. Ang galing ng costume umuumbok ang dibdib pero di pa rin bakat ang utong. Ang galing ng gadgets niya, ang gara ng kotse, ang ganda ng bahay ang galing-galing mag-Ingles, ang galing mangarate actually, pulbos nga ang lahat ng kalaban niya eh. Palagi ko siyang pinapanood tuwing hapon. Palagi akong nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto nyang manood ng lotlot and friend at saka that’s entertainment pero ako isa lang talaga ang gusto kong panoorin. Isa lang ang idol na idol na idol ko talaga.

Bale idol na idol na idol na idol talaga ko talaga si Batman dibale na si robin ayoko si robin kase parang bading. Ano nga kaya ang relasyon nila ni Batman? Pero idol ko talaga si Batman. Palagi ko at siyang dinodrowing, lagi ko siyang ginagaya lahat ng bagay na batman gustong gusto ko meron ako. Yung t-shirt ko batman, yung lunchbox ko batman, yung pencilcase ko, yung panyo, yung sombrero, yung toothbrush, yung brief ko lahat yon batman. Mahal na mahal ako ng tatay ko kase kahit mahirap lang kami palagi nya akong binibili ng Batman na bagay pero minsan gusto ko talaga ng batmobile na laruan nagpabili ako sa kanya sabi ko tay bili mo naman ako ng batmobile pero katatae nya lang yata nya non sa trabaho at wala na sya pera kase kasali yata siya noon sa unyon nagwala yata sa ticket line kaya yun natanggal. Kaya kumuha na lng siya ng karak-karak na lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng tansan at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal

At lumipas na nga ang mga taon ng si batman ay halos tuluyan ng naglaho mula sa aking alaala. Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan, alam kong naroon parin si batman. Isang tahimik na aninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak at kwarto. At mula noon ay nag-iba na ang ihip ng hangin,nagulo na ang ikot ng mundo kumupas na ang kulay ng buhay. Dumaan ang mga kasintahan, ang mga asawa, ang mga taong akala mo mo’y kaibigan yun pala ay tarantado. Mga artistang araw-araw mong napapanood sa tv na mga bobo. Mga pulitikong bobo, mga trabahong maliit lang ang suweldo isang milyon bundok ng problema, isang sakahan ng hinanakit isang mundo ng hinanagpis. Hindi ko na matagalan hindi ko na matiis, hindi ko na kaya.

Ngayon hindi ko na talaga kaya, hindi ko na talaga kaya, hindi ko na kaya. May narinig akong putok mula sa kaibuturan ng aking utak. Bumigay na ang tali sumabog na ang bulkan nabasag na ang pula kaya ngayon. Isang madilim na madilim na gabi ako ay narito ay narito na sa tuk-tok ng isang mataas na mataas na building sa ayala. Ang sarap ng hanging umiihip-ihip sa aking kappa. Nakataas ang aking kamay, nakataas na ang kamay malapit na akong lumipad malapit na akong lumipad.

E pero, bigla kong naisip, hindi naman pala lumilipad si Batman, 'di ba
Hindi naman pala lumilipad si Batman
Hindi naman pala lumilipad si Batman kaya, paalam, malupit na mundo
Paalam, mahal. Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po
Lolo sa tuhod, paalam po. Lola sa siko, paalam po
Bantay, paalam. Muning, paalam. Ewan ko kung sinong 'papakain sa inyo
Paalam po, Aling Tekla. Paalam po, Mang Goryo
Tsaka ko na lang po babayaran yung sukang inutang ko sa yo
Paalam, Junjun, Paalam, Bongbong, Babay, Rose, hoy, babay
Babay Pini, Babay Baby, Babay Pablo, Asis, Rastem, BJ, Jay, sige 'yan
Wowie, sige pare, Pards, Arwin, ingat kayo, Sige paalam.

- Radioactive Sago Project


 
Lupang Hinirang 07/02/2008
 

Bayang magiliw, perlas ng silanganan…” mga kataga unang lumalabas sa aking bibig kapag kinakanta ang ating pambansang awit. Ang ating pambansang awit ay sinulat ni kinompose ni Julian Filepe noong taong 1898 at base sa tula ni Jose Palma noong 1899.

Naalala ko noong pumunta ako sa isang pagpupulong sa isang samahan sa “Toastmaster” sa isang silid aralan. Habang ako ay nakikinig sa nagsasalita sa harap napansin ko na may lawaran at lyrics n gating pambansang awit. Aking itong binasa sa aking isipan ng marahan. Habang binabasa at unti unti kong nararamdaman na umiinit ang aking dugo at lumalagablab ang puso. Mararil noon ko lang nadarama ang salita at mungkahi n gating mga bayani noong unang panahon. Bigla nalamang pumasok sa aking isipan ang mga kasaysayan ng ating inang bayan, ang kanyang pinagdaanan sa mga dayuhan. Marahil naramdaman ko rin ito simula nang nagtrabaho ako ditto sa ibang bansa.

Kapag ikaw lumabas ng iyong sariling bansa doon mo lang malalaman ang tunay mong pagkatao. Nagtratrabaho ako dito sa Saudi Arabia ng kulang kulang sampung taon at marami na rin akong karanasan at nakatrabaho na ibang lahi kagaya ng French, British, American, Saudi, Pakistani, Indian, Bangladesh, Lebanese, Palestinian, Jordanian, Syrian at kapwa Filipino. Ibat ibang ugali ang iyong pakikisamahan upang kumita lamang ng konting pera na para sa ikabubuti ng iyong pamilya sa Pilipinas.

Dati rati noong sa Pilipinas pa ako nagtratrabaho hindi nagiging problema ang mga nararanasan ko dito sa Saudi. Ako ay may direction sa trabaho at Masaya ako sa trabaho at katrabaho. Ngunit dito sa Saudi ibang klase din ang sistema dahil nga sa ibat ibang lahi ang iyong makakasama. Ibat ibang ugali ang iyong haharapin. Ibat ibang pananaw sa trabaho at higit sa lahat ibat ibang salita. Pero ito narin marahil ang nagpapasarap at nagbibigay interest sa ating hinarap. Mas mauunawaan natin ang mga cultura ng ibat ibang lahi.

Ang mga bagay na ito ay maaring magbigay ng influencia sa ating pamumuhay at paguugali. Habang tumagal ka sa isang lugar mas lumalalim ang influencia sayo ng mga cultura sa paligid. Kaya rin siguro karamihan na nakikilala ko na Filipino na nagtratrabaho sa ibang bansa ay nagiiba ang ugali hindi dahil sa gusto nila ito kundi sa hindi nila napapansin na sila ay naiinfluenciahan na ng ibang lahi.

Naiisip ko ang ating mga pambansang bayani katulad nila Jose Rizal na lumabas din n gating bansa. Marahil nga na dalawa lang ang pwede mangyari sa iyo. Maaring makain ka ng kultura ng ibang lahi sa iyong kapaligiran o ipaglaban mo ang iyong lahing pinangalingan.

Noong ako ay pauwi minsan ng Pilipinas aking naisip sa sarili ang mga bagay sa kapaligiran at aking sinubukan kantahin ang “Lupang Hinirang” sa isipan. Mas mabagal, mas inuunawa, mas may damdamin isinasaisip an gating pambansang awit at aking naramdaman na ang aking dugo ay umiinit ang mga mata ay maaring lumuha an gang puso ay tumitibok. Tanging ang “Lupang Hinirang” lamang ang aking maaring sandata panlaban sa pananakop ng ibang kultura sa sarili kong lahi.

Kaya sa mga kabayan natin sana tandaan natin na masarap magkaroon ng sariling kultura at sariling kalayaan sa ibang dahuyan. Ating mahalin an gating lipunan sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw sa nakaraan. Maaring hindi maganda ang mga galaw n gating pinuno ng ating bayan pero kung pati tayo ay sasabay maaring mas malala pa ang mga mangyari sa ating buhay. Bakit hindi natin subukan sa pambansang awit natin ilagay ang nararamdaman. Mga kapatid an gating pambansang awit ang “Lupang Hinirang”

Tagalog Version
Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
'Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y 'di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa 'yo.

CEBUANO VERSION
Yutang Tabunon
Mutya kang masilakon
Putling bahandi
Amo kang gimahal
Mithing gisimba
Yuta kas mga bayani
Sa malupigon,
Pagadapigan ka
Ang mga bungtod mo ug lapyaan,
Ang langit mong bughaw
Nagapalanog sa giawit
Ang mahal nga kagawasan
Silaw sa adlaw ug bituon
Sa nasudnong bandila
Nagatimaan nga buhion ta
Ang atong pagkausa
Yutang maanyag duyan ka sa pagmahal
Landog sa langit ang dughan mo
Pagatam-ison namo kung maulipon man
Ang kamatayon sa ngalan mo

ILOCANO VERSION
Imnas nga ili
Baggak ti dumadaya
'Toy ay-ayatmi
Ti sagutmi kenka
Daga't kinasudi
Indayon ti nakired
Iti mangdadael
Haanka pailuges
Iti tangatang, ulep ken pul-oy
Bambantay ken baybay
Addan dayag ti daniw ken dayyeng
Ti napateg a wayam
Ti raniag ta wagaywaymo
Ket balligi a nasileng
Ti init ken dag'ti bitbituenna
Dinto pulos aglidem
Nakaliblibnos unay a daga't ayat
Daytoy biag, langit dita dennam
Ngem no ti dayawmo't inda dadaesen
Ingga't tanem, sumalakankam

ENGLISH VERSION
Beloved country,
Pearl of the Orient,
The heart's fervor,
In your chest is ever alive.
Chosen Land,
You are the cradle of the brave,
To the conquerors,
You shall never surrender.
Through the seas and mountains,
Through the air and your blue sky,
There is splendor in the poem and song
of beloved freedom.
The sparkle of your flag
Is shining victory.
Its stars and sun
will never dim.
Land of glory, the sun of our affections,
Life is heaven in your arms;
When someone oppresses you, it is our pleasure
To die for you.

- Cristo Bugarin X-Abeleda


 
 

A Book, A Quill, A Brush, An Ink, A Sabre, A Stethoscope, A Flag and An Eye.

Rizal traveled in Asia and eastern part of the world. He studied to enhance his knowledge and skill. Knowledge, education, wisdom, or a source of intellectual power symbolizes by a Book.

Rizal wrote in newspaper to earn extra money for his living. He wrote his visions and ideas in La Solidalidad, Noli Me Tangere and El Filibusterismo. A tool he used in writing and a mark of a great writer symbolizes by a Quill.

Rizal has passion for arts. He can draw and sculpt. He is very creative and imaginative. He used his artistic views to open the minds of the Filipinos. A mark of an artist symbolizes by A Brush.

Rizal’s hard work and perseverance are his elements to conquer his destiny. His creations and manifestations are his masterpiece toward his missions. He puts his heart to his works. The Blood that runs thru his veins symbolizes by An Ink.

Rizal is an athlete. Fencing is one of his favorite sports. Patience, speed, cunning & agility are the key elements to play this sport. The sharpness and discipline of his mind symbolizes by A Sabre.

Rizal is an optimitrician. Being a doctor is a noble practice. It takes a lot of pure dedication to be a doctor. His nobility and dedication as a doctor symbolizes by A Stethoscope with A Sun.

Rizal is a Filipino, an inspiration and a hero of our heritage. His heroism and contribution will remain part of our culture and history. His motherland the Philippines symbolizes by A Flag.

Rizal is a true Filipino it reflects on all his actions. His visions for the Filipinos young generations are starting to grow. His soul symbolizes by An Eye.

Every stroke of lead has a meaning, as I put my own soul to it. It represents how I see Rizal as a Hero, An Inspiration to all Filipinos as a writer, as an artist, as an athlete, as a doctor, as a nationalist, as an O.F.W. and as a Hero.

His Immortality lives on our souls as a Filipino.
“Kaluluwa ng Bayani”

A tribute to a Filipino Hero....Pencil on Paper.

- Cristo Bugarin X-Abeleda


 
Unang Pagtatalo 07/02/2008
 

kape:  sa gabi, 'di na ako umiinom ng tubig.  sabi kasi ng doktor, hindi ka makakatulog pag uminom ka ng tubig sa gabi.

gatas:  natural!  masisira ang tulog mo kung babangon ka para umihi!

==========

gatas:  kilala ko 'yang doktor mo na 'yan... si doktor kepweng!

kape:  'di ba albularyo 'yon?

gatas:  dati albularyo siya. 'di kasi siya binibigyan ng lisensiya kaya tinapos niya ang pagdodoktor.
kape:  ows... talaga?

gatas: oo. ngayon nga lisensiyado na siyang doktor, pero pang aalbularyo pa rin ang pamamaraan niya!

 

    Author

    Hobbyist, Photographer, Newbie, Artist, Computer & Camera Freak, Anti Dictatorial Parents, Contributor, Tax Payer, Filipino, Manilenyo

    Archives

    April 2009
    March 2009
    January 2009
    December 2008
    November 2008
    October 2008
    September 2008
    August 2008
    July 2008
    June 2008

    Categories

    All
    Kapet Gatas
    Sa Kanto Ko Kanto Natin At Kanto Nila
    Usapang Kapihan

    RSS Feed