
Sapat na bang maging ilaw ang liwanag na nanggagaling sa isang maliit na tanglawan?
Ano pa ba ang kailangan? at ano pa ba ang kulang?
Saan pa ako kukuha ng lakas? at kanino pa ako aasa?

Isusulat ko ang aking mga salita upang maging isang alamat.
Sa puso mo'y maririnig mo akong sumisigaw habang ikaw ay tinatanaw.
Gamitin mo ang aking mga salita upang mahagkan ang pisngi ng langit at mayakap ang mga bituin.

Unti-unti nang namamatay ang mabubuting kagawian ng aking laman at dugo.
At unti-unti naring kinakain ng aking damdamin ang aking makitid na pag-iisip.

Ano ba ang pinagkaiba ng langit at lupa? Distansya?
Eh parehas lamang na umaasa sa liwanag ng araw at sa dilim ng gabi ang dalawa!
Ano kaya kung magkabaligtad ang dalawa?
Ang langit ay maging lupa? At ang lupa ay maging langit?
Meron pa kayang pagkakaiba ang dalawa?